Saturday, April 19, 2008

SIGNOS: Banta ng Nagbabagong Klima

Bukas ng gabi, April 20, ay mangunguna ang GMA-7 sa pagtatala ng isang isyung global sa pamamagitan ng News and Public Affairs special na pinamagatang �SIGNOS: Banta ng Nagbabagong Klima.�

Bibigyang pokus ng dokumentaryong ito ang usapin tungkol sa climate change at ang mga manipestasyon ng nasabing global phenomenon sa Pilipinas. Dahil sa bigat at lalim ng usaping tatalakayin sa SIGNOS, napapanahon ito para sa lahat ng manonood.

Filipino translation ang SIGNOS ng phrase na �state of the times.� Kahit na ang mga sinasabing manipestasyon ng climate change ay hindi pa gaanong nararamdaman sa Pilipinas, mahalagang bigyang-diin na marami nang masalimuot na pangyayaring bunga ng climate change sa global at lokal na antas.

Sa SIGNOS, ipapa­kita kung paanong kinain ng pagtaas ng lebel ng dagat ang isang kilo­metrong lupa sa Bauang, La Union. Maraming mga bahay at gusali ang nabaon sa ilalim ng dagat. Maging ang mga magsasaka ay pinaparusahan dahil pababa nang pababa ang kanilang mga ani.

Samantala, ang mga matitinding bagyong Reming at Milenyo na tumama sa Bicol region noong nakaraang dala­wang taon ang nagbaon sa Albay sa lahar at iba pang volcanic materials. Pinawi rin ng mga flashflood ang ilang mga lugar sa Davao del Sur.

Sa El Nido, Palawan, lumalala ang pagkasira ng mga coral dahil sa pagtaas ng temperatura sa dagat. Sa Quezon naman, dumarami ang mga kaso ng dengue at malaria.

Sa SIGNOS, ipaparating ang mensahe ng kalikasan sa pamamagitan ng lingwaheng maiintindihan ng masa. Refreshing ang episode na ito dahil sa mga visual at special graphics na inaasahang hahawak sa mga manonood.


Engaging din ang storytelling ng SIGNOS dahil ipapakita kung paanong naaapektuhan ang kalusugan ng tao, ang kalikasan, at ang biodiversity ng nagbabagong klima.

Kakaiba rin ang format ng special na ito. Ang mga television reporter na sina Howie Severino, Maki Pulido at Raffy Tima ay nagpunta sa mga lugar na direktang naaapektuhan ng nagbabagong klima. Sila rin ay nakipagtalakayan sa mga eksperto hinggil sa isyu ng climate change.

Isasalaysay ng Greenpeace Advocate na si Richard Gutierrez ang SIGNOS. Hindi man alam ng marami, matagal nang nakikiisa si Richard sa mga kampanya para sa kalikasan.

No comments:

Post a Comment