Saturday, April 26, 2008

ANNABELLE RAMA's "3 DONT'S" to RICHARD GUTIERREZ

Tawa na lamang nang tawa si Richard Gutierrez nang makausap ng press pagkatapos niyang mag-sign ng two-year guaranteed contract sa GMA Network last Friday, April 25, sa Boardroom ng GMA Network Center. Ang mga tanong kasi sa kanya ay maagap na sinasagot ng ina at manager niyang si Annabelle Rama, tungkol man sa career o love life niya.

Sa kabila ng pagiging napakabait na anak ni Richard, ano ba ang puwedeng ikagalit ni Annabelle dito kung sakali?

"Tatlong bagay lamang iyon: Iyong mag-drugs, kahit sino sa mga anak ko, hindi ko matatanggap na mag-drugs sila, ikamamatay ko iyon. Ayaw ko rin na lagi siyang nagmu-motor, sabi ko sa kanya, kung gusto niyang mamatay ako agad, sige sumakay siya nang sumakay sa kanyang Ducati. Hindi talaga ako mapalagay kapag nalaman kong nag-motor siya. Kaya kapag alam kong magmu-motor siya, pinasasabayan ko siya sa sasakyan ko, para kung may mangyari sa kanya, masasaklolohan siya agad. Isa pa na hindi ko matatanggap, iyong mag-asawa siya nang maaga. Siguro, kapag 30 years old na siya, puwede na [Richard turned 24 last January 21].

"Lagi kong ipinaaalaala sa kanya at sa iba pa niyang kapatid na lalaki, na magsawa muna sila sa pagkabinata. Mahirap iyong mag-aasawa sila nang maaga �tapos ay maghihiwalay din. Kaya sabi ko sa kanila, i-enjoy lamang nila ang pagiging binata nila. Dapat pumili sila ng girlfriend na hindi palamunin, kaya dapat ang kukunin nila iyong nagtatrabaho rin para tulong sila sa buhay.

"Hindi ako nahihiyang sabihan silang gumamit ng condom at iyong babae, sabihan nilang mag-pills. At hindi pa naman kami nag-away ni Richard tungkol sa babae. Hindi ko siya pinakikialaman pero kapag nalaman ko kung sino ang nililigawan niya, sinasabihan ko siya na huwag siyang magseryoso dahil wala siyang future sa girl.

"Kahit si Ruffa ngayon, sinasabihan ko siya na pumili siya ng tamang lalaki na magpapakain sa kanila ng mga anak niya. Ayaw kong pumili siya ng milyonaryo pero paiiyakin lamang pala siya."

No comments:

Post a Comment