Friday, March 26, 2010

'Showtime' Suspends Anew by MTRCB; ABS-CBN Ignores Suspension

Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ordered another suspension for ABS-CBN morning talent-search show 'Showtime'. But this time, hinde lang 20-days ang suspension kundi 1-month na. And this is still all because of the Rosanna Roces incident last January of this year (Click here to read related article).

And aside from Showtime, kasama rin sa suspension ang 'Magpasikat', ang programang pumalit temporarily sa Showtime habang suspended pa ito.


ABS-CBN issued an official statement through its Corporate Communications head Mr. Bong Osorio. Ayon kay Osorio, hindi pa naman "final at executory" ang desisyon ng MTRCB kaya tuloy pa rin ang pagpapalabas ng Showtime. Aapela rin daw ang ABS-CBN sa Office of the President.

Heto ang full statement ng Kapamilya network:

"Ang lumabas na desisyon ng MTRCB kaugnay ng programang Showtime ay hindi na ikinagulat ng ABS-CBN.

"Ang MTRCB committee na duminig ng kaso ay hindi na inasahang sasalungat sa naunang desisyon ng Chairman na naghain ng preventive suspension order sa Showtime. Matatandaang, tuwirang kiniwestyon ng pamunuan ng ABS-CBN ang 'validity' ng ipinataw na preventive suspension order kung kaya't ang ABS-CBN ay naghain ng pormal na reklamo sa Ombudsman laban sa MTRCB chairman sa paglabag nito sa anti-graft and corrupt practices act.

"Ang desisyon ng MTRCB ay hindi final and executory. Hindi sang-ayon ang ABS-CBN sa nasabing desisyon kung kaya't ito'y iaapela sa Office of the President.

"Samantala, ang SHOWTIME ay patuloy na mapapanood at magbibigay aliw at inspirasyon sa mga kapamilya sa buong mundo."

No comments:

Post a Comment