Monday, March 28, 2011

Philippine Azkals Visits �Happy Yipee Yehey!�


Right after their victorious match against teams from Myanmar White Angels and Bangladesh Bengal Tigers, Team Azkals graced ABS-CBN�s noontime show.

Sa interview na pinangunahan ng sportscaster na si Dyan Castillejo at Happy Yipee Yehey! hosts na sina Randy Santiago at John Estrada, buong-pagmamalaking ipinakilala ni Randy ang mga team members sa pamumuno ng Head Coach nilang si Hans Michael Weiss at Team Azkals Captain Alexander Borromeo. Dagdag pa rito ang paunang sinabi ni Dyan tungkol sa grupo, �They played as a team, kaya naman tayo ang nanalo laban sa Bangladesh.�

Tinanong ni John sa unang nakapagbigay ng goal na si Ian Araneta kung kanino niya idine-dedicate ang unang goal na ito. �Para sa teammates ko na naghirap, para sa family ko at para sa sambayanang Pilipino. Napaka-special ng goal na ito kasi parang dumating sa tamang oras at tamang pagkakataon. Napaka-importante rin ng game na ito para sa amin� Natutuwa ako dahil matagal na akong hindi nakakacontribute sa team, pagkatapos ako ang unang naka-goal,� masayang pahayag ni Ian.

Kinuwento naman ng Azkals goal keeper na si Neil Etheridge kung paano nag-adjust ang team sa klima ng mga bansang kanilang pinuntahan. Dagdag pa rito ang mga na-experience nilang hirap sa Japan at Myanmar, katulad ng mga sunud-sunod na paglindol.

Naging sentro naman ng biruan ang Filipino-Spanish player na si Angel Aldeguer. Kahit ito�y hindi nakakapagsalita ng English at Filipino ay kinausap pa rin siya ni John. Ibinahagi ni Angel, sa tulong ni Dyan, na siya ay masayang-masaya at naging bahagi siya ng Azkals. First time niyang maglaro at natutuwa siya sa warm welcome na ibinigay sa kanya ng ibang members ng team.

Pinasalamatan ng Team Azkals ang lahat ng sumuporta sa kanilang mga nakalipas na mga laban. Nagkaisa naman sila John, Randy at ang lahat ng Happy, Yipee Yehey! hosts sa patuloy na pagsuporta sa kanila.

Marami pang ibang sorpresa araw-araw ang hatid ng kabarkada sa tanghali, sina Randy Santiago, John Estrada, Mariel Rodriguez at Toni Gonzaga, at sina Bianca Manalo, Melai Cantiveros, Matteo Guidecelli, John Pratts, Jobert, Bentong at Sam Milby.

Happy Yipee Yehey mula Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng Showtime sa ABS-CBN. Bida Best Kapamilya!


No comments:

Post a Comment