Lumuha ang buong bayan sa pagpanaw ni Mara (Kathryn Bernardo) sa nangununang teleserye na �Mara Clara.�
Iba�t iba ang naging reaction ng mga fan sa kakaibang twist na naganap sa kwento ng top-rating series. Isa na rito ang isang 11-year old na batang babae na nagngangalang Pamela na lubos na naapektuhan sa pagkamatay ni Mara.
Naka-paskil sa YouTube ang reaksyon ng bata na naitampok pa sa TV Patrol. Todo iyak si Pamela at sinisigaw pa ang pangalan ng bida habang nasa tapat ng telebisyon. Mahigit sa kalahating milyon na ang hits nito sa YouTube.
Nang tanungin si Kathryn kung ano ang kanyang reaksyon sa libu-libong taga-subaybay ng Mara Clara na todo ang pagkalungkot sa pagpanaw ng kanyang karakter sa teleserye, ang naging sagot ng dalaga ay, �Mas nalaman ko po ngayon ang responsibilidad namin sa mga taga-subaybay ng aming teleserye, lalo na po sa mga bata. Nakakataba po ng puso ang kanilang mainit na pagtanggap.�
Samantala, subaybayan pa ang mga kakaibang pangyayari sa pamilya Del Valle at sa mga David ngayong wala na si Mara.
Patuloy sa pagdu-domina sa ratings ang "Ina ng teleserye." Base sa Kantar Media/TNS, nagtala ito ng 37.1% national rating kumpara sa naghihingalong "I Heart You Pare" na nakakuha lamang ng 17.1% noong March 4.
Tumutok lamang sa mga makabagbag-damdamin pang kaganapan sa �Mara Clara� Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng �Minsan Lang Kita Iibigin�.

No comments:
Post a Comment