Monday, February 14, 2011

Want Your Kids To Join 'Pinoy Junior MasterChef' on ABS-CBN? Find Out How


Mommies, does your kid have a talent in cooking? Do they like experimenting recipes in the kitchen? Are they between 8-12 years old? If the answers are "yes", then let their talent flaunt by joining the Pinoy Junior MasterChef on ABS-CBN!

Ang Kapamilya network ay naghahanap ng mga bata na may edad na 8 hanggang 12 taong gulang sa buong Pilipinas para sa pinakabago at pinaka-exciting na serye ng Pinoy Junior Masterchef. Kung hilig mo ang pagluluto at gusto mong ipakita ang iyong galing sa harap ng aming mga hurado, maaari kang mag-apply at magkaroon ng pagkakataon na mahirang bilang kauna-unahang Pinoy Junior Masterchef!

Dapat ay hilig ng inyong kids talaga ang pagluluto at enjoy siya kusina.

Dapat ay bukas ang isipan niya na matuto ng mga bagong kakayahan.

Dapat ay nakapagluto na siya ng ilang putahe ng mag-isa o may supervision ng magulang.

Dapat ay may ilan syang putahe na gutong-gusto nyang niluluto na maaari nya ring lutuin para sa mga hurado.

Dapat ay handa sya na tumanggap ng kritisismo mula sa mga hurado (maaaring hindi nila magustuhan ang kaniyang niluto o ang ilang bagay sa inihanda niyang pagkain)

Titingnan ng mga hurado ang husay at galing niya sa pagluluto at kung gaano kasarap ang niluto nyang pagkain.Pero titingnan din ng mga hurado ang kanyang potensyal. Ibig sabihin, maaaring hindi siya ganuon kahusay sa pagluluto sa ngayon, pero may potensyal na maging tunay na mahusay at magaling sa hinaharap.


For application forms and other details and requirements, please click HERE.

Junior MasterChef Pinoy Edition is the local version of the hit reality cooking competition �Junior MasterChef� to be aired on ABS-CBN.

The show will be hosted by actress-chef-mommy Judy Ann Santos.


No comments:

Post a Comment