Friday, July 9, 2010

Who Will Face Death in "Rubi"?

Hindi pa rin humuhupa ang "Rubi" mania. Kahit pa nasa late timeslot ang nasabing serye at marami na ring nagsusuluputang iba pang primetime series, patuloy pa rin ang pag-ariba sa ratings ang �Rubi� at gumagawa pa rin ng ingay sa print at online media.


Halos anim na libong mga fans na ang sumali sa official fan page ng Rubi sa Facebook kung saan nila pinapahayag ang kanilang mga saloobin at papuri para sa nabanggit na programa.

"Convincing ang acting ni Angelica Panganiban! pak na pak sa comedy at drama! Totally explosive nga naman!," ayon sa isang FB member. "Wala talagang kakupas kupas si Ms. Cherry Pie! The best talaga pagdating sa aktingan! Kaya �di nauubusan ng projects sa ABS-CBN," pahayag naman ng isang avid follower ng Rubi.

Samantala, sa pagpapatuloy ng story nito, isa sa mga karakter ang manganganib ang buhay at haharap sa kamatayan. Sino siya?

Alamin ngayong linggo at huwag palalampasin ang isang biglaang insidente na magdudulot ng pagbabago sa buhay ni "Rubi", Monday to Friday after ng "Magkaribal" sa ABS-CBN.


No comments:

Post a Comment