Friday, July 9, 2010

Maja Salvador is Lady Gaga? Lady Gaga is Maja Salvador? Huh?!?

Inspired ng hit afternoon series na Impostor ang episode ng Sharon ngayong Linggo.

Magrelax at maaliw sa "Impostor Night" tampok ang mga hot Kapamilya stars na magiging mga "impostor" ng ilan sa mga kilalang international artists. Abangan kung paano magta-transform bilang si Lady Gaga ang bida ng Impostor na si Maja Salvador.


Tiyak na mapapaindak naman ang lahat sa paghataw ni Bangs Garcia, kasama ang Star Magic Girls na sina Cass, Heidi, Dionne at Gee-Ann, na mag-a-ala-Pussycat Dolls at ang Star Magic Boys na sina Sam, AJ, Aaron at Sergio na magpapahiyaw ng mga kababaihan tulad ng sikat na K-Pop boyband na Super Junior.


Huwag palampasin ang nag-iisang musical variety night show "kung saan lagi kang kasama," Sharon, Linggo, July 11, pagkatapos ng Rated K sa ABS-CBN.


No comments:

Post a Comment