Friday, July 2, 2010

Blind Item #12: Here, There , Everywhere

Hula-Hula #12: (HERE) Umuwi ng bansa ang isang dating sikat na young actor para i-meet ang isang mahalagang tao sa kanyang buhay. (THERE) Pero bumalik din daw agad ito sa isang lugar kung saan 'di sya madaling mahanap at mapuntahan ng mga taong posibleng maglagay sa kanya sa alanganin dahil sa kinasasangkutan nitong malaking problema. (EVERYWHERE) Napabalitang dati pang nag-abroad ang controversial na young actor na ito pero nasa basement lamang pala sya ng isang sikat na ospital sa Maynila. At ngayon nga totohanan ng umalis ng bansa ang young actor na ito at medyo matatagalan bago pa sya ulit makabalik (o kung makakabalik pa nga ba sya).

Hus Dis Pls?
Swak na swak sa kanyang status ngayon ang title ng kanyang old movie kung saan nakakuha pa sya ng awards at hinangaan sya ng todong todo. Isa na sya ngayong batang.....

No comments:

Post a Comment