Friday, July 16, 2010

Probers Reunite To Remember the 24 Years of "Probe"


Sa isang natatanging pagkakataon, magsasama-sama ang mga naging miyembro ng first investigative program sa bansa, ang "Probe" upang i-share ang kuwento ng programa mula nang mag-start ito 24 taon na ang nakararaan.

Ibabahagi ng mga naging producer, reporter, writer, director, editor, production assistant at crew ng Probe sa pangunguna ng co-founder at lead anchor na si Cheche Lazaro ang kanilang naging experiences sa paglalahad ng tunay na kalagayan ng bayan sa "Probe: Ang Ating Kuwento" this Sunday, July 18 sa ABS-CBN Sunday's Best.

Kasama sina ABS-CBN Head of News and Current Affairs Maria Ressa, mga newscaster na sina Kara Magsanoc-Alikpala, Judith Torres, David Celdran, at Tony Velasquez, at iba pang naging part ng Probe, ibabahagi ng Probe ang mga challengers na pinagdaanan ng grupo sa bawat pagbabalita at ang mga pagsubok na nilampasan nila.

Ipapakita rin ang evolution ng programa habang nagpapalit ito ng format at TV station sa loob ng mahigit dalawang dekada. Sa patnubay ni Cheche, itinaas ng Probe ang pamantayan sa pamamamahayag sa Pilipinas at nagsilang din sa pinakamagagaling na newscasters sa harap at likod ng kamera sa bansa.

Giit ni Cheche, hindi pa ito ang huling bira ng Probe. "Tatapusin na namin ang paglabas sa telebisyon linggo-linggo. Pero asahan niyong patuloy na gagawa ng positibong kontribusyon ang Probe sa industriya ng telebisyon," pagtatapos niya.

Huwag palampasin ang "Probe: Ang Ating Kuwento" this Sunday, July 18, after ng "TV Patrol Linggo" sa ABS-CBN.

No comments:

Post a Comment