Thursday, July 8, 2010

Filipino Heavyweights Get Ready! "Biggest Loser Pinoy Edition" Coming Soon on ABS-CBN

Mula sa ABS-CBN, ang TV station na nagdala sa Pilipinas ng mga hit reality show na "Pinoy Big Brother," "Pinoy Dream Academy," at "Pinoy Fear Factor" comes the biggest and heaviest series na magdadala sa bansa ng bigat at lakas - "The Biggest Loser Pinoy Edition!"


Unang sumikat ang The Biggest Loser sa United States, Australia, United Kingdom, at ilang bansa sa Asya dahil sa kakaiba nitong concept kung saan ang mga plus-size contestants nito ay dadaan sa matinding training at strict diet para subukan ang tatag ng katawan at will power para ma-achieve ang kanilang ultimate goal - bawasan ang kanilang timbang. Ang contestant na may pinakamalaking porsiyento ng nabawas na timbang ang mag-uuwi ng cash and prize package. At sa Pinoy Edition, asahan ang unexpected at kakaiba nitong Filipino twist.

Ang lahat ng may tapang ng loob na harapin ang bigating challenge ay pwedeng-pwedeng pumunta sa auditions on Friday, July 9, 10am until 4pm sa PBB Activity Area, 18 Eugenio Lopez Drive, Brgy South Triangle, Q.C.

Ang next audition naman ay sa July 16 at Metro Town Mall, Tarlac, July 30 Park Mall Cebu, August 6 sa Embarcadero de Legaspi, Legaspi City, at August 13 sa SM City Ilolo.

Invited mag-join ang mga babae na may weight na 200 lbs pataas or lalake may bigat na 250 lbs and up, 18 to 40 years of age, Filipino at may malakas na pangagatawan. Magdala lang ng valid ID and close-up and whole body pictures.


No comments:

Post a Comment