Saturday, July 3, 2010

Blind Item #13: Money Makes the World Go Round

Hula-Hula #13: Sino ba ang nawalan? Ang isang Indie Producer na 'di kinaya ang asking price ng isang komedyana o ang Komedyana na nawalan ng project dahil ganid na daw ito sa pera?

Balitang 'di na daw matutuloy ang indie film sana na pagbibidahan ng isang sikat na komedyana dahil na-turn off daw dito ang producer nito nang itinaas ng komedyana ang kanyang talent fee ng 100% pagkatapos nilang nakapag-usap at nagkasundo sa isang reasonable amount a month ago.

Balitang balita na masyado na talagang malaki ang ulo nitong blockbuster komedyana na ito kaya sa halip na katuwaan, kinaiinisan na daw sya ngayon. Yes, kabi-kabila nga ang projects nya sa 3 major TV networks pero kasabay din nito ang sabay-sabay na reklamo tungkol sa ugali nito.

Pati nga daw manager nito ay tinanggal na nya para siya na raw personally ang makipag-negotiate sa mga producers at TV networks na gustong kumuha ng serbisyo nya. Solong solo na nga naman nya ang kanyang talent fee.

Hus Dis Pls?
Dapat na niyang ikumpisal kay St. Dominique ng kanyang pag-uugali or else....

No comments:

Post a Comment