Thursday, June 24, 2010

Boy Abunda, President Noynoy's "First Adopted Brother?"

"Noynoy Day" na nga tawag sa June 30 after itong i-declare na Holiday ng Malaca�ang para icelebrate ang inauguration ng 15th Philippine President na si Benigno "Noynoy" Aquino III. At kasabay ng celebration ay ang pag-aabang ng sambayanan sa mga pagbabagong magaganap sa bansa.

Sa July 2010 issue ng The Buzz Magazine, tampok ang isa sa mga strong supporters ni President Noynoy na si Boy Abunda, na minsang biniro ni Kris Aquino bilang kanilang "First Adopted Brother."



Sa P.O.V. section ng The Buzz Magasin, nai-share ni Boy ang ilan sa kanyang mga saloobin sa nalalapit nang pagsisimula ng Aquino administration. Ayon kay Boy, positive naman siya sa pag-asang hatid ng bagong Pangulo, particular sa showbiz industry.

"
Yung proximity ng buhay niya sa showbiz ay malaking bagay. 'Yung lapit ng relasyon ni Kris sa showbiz tsaka naming mga kaibigan�siguro naman ay mayroon tayong access doon sa presidency kung anuman ang mga concerns."

Dagdag na pahayag ni Boy sa The Buzz Magasin, "
Kasi when you talk of the industry, you�re talking about the music industry, movie, television, entertainment writers, entertainment group, the managers� group. Siguro kailangan bumuo ng isang committee para pag-usapan ang concerns ng industriya at kung ano ang mailalapit sa magiging Presidente."

Aside kay Boy Abunda, tampok din sa July issue ng The Buzz Magasin ang iba pang maiinit na showbiz balita kabilang ang napapabalitang pag-amin ni John Lloyd Cruz sa tunay na relasyon nila ni Shaina Magdayao; pagkuha ni Charice kina Oprah Winfrey at Kris Aquino bilang kanyang mga ninang; at ang isyu sa pagitan nina Willie Revillame at Jobert Sucaldito at ang iba�t ibang opinyon ng mga taong nakapalibot sa kanila.


Alamin din sa The Buzz Magasin ang mga updates sa buhay nina Aga Muhlach, Anne Curtis, KC Concepcion at PInoy Big Brother Double Up winners Jason Francisco at Melai Cantiveros.


Lahat 'yan at marami pang iba sa July issue ng The Buzz Magasin, available sa leading bookstores at magazine stands nationwide sa halagang P70 lang.


No comments:

Post a Comment