
Kung ikaw ay 18-25 years old, witty, energetic, talkative, outgoing, adventurous, charming, trendy, at mahilig sa music, concerts, travels at crazy adventures, mag-audition na!
Naka-set ang audition para sa MYX VJ Search sa darating na May 7, 14, 21, at 28 sa Studio 12, 4th Floor Talent Center Bldg., ABS-CBN Compound, Quezon City mula 11:00am hanggang 6:00pm.
Sa auditions, huwag kalimutang dalhin ang requirements tulad ng resume, full body photo, close-up photo at kahit alin sa mga sumusunod na IDs: School ID, Passport, Driver's License, SSS o anumang dokumento na nagpapatunay ng iyong birthdate.
Mayroong 12 exclusive spots para sa mga MYX VJ hopefuls at pagdadaan nila ang iba�t ibang challenges na susubok sa kanilang talent at determination na makamit ang big prize�ang maging pinakabagong mukha ng number one music channel sa bansa! Mapapanood ang nasabing challenges sa ilang episodes ng �MYX VJ Search Specials.� Bibigyan din ng chance ang mga MYX VJ hopefuls na mag-host sa ilang MYX shows.
Huwag nang magpahuli! Pagkakataon mo na itong maging sikat na MYX VJ!
Para sa iba pang detalye, mag-log on sa www.myx.com.ph, www.twitter.com/myxphilippines at www.facebook.com/MYX.Philippines.
Panoorin ang mga paboritong music videos sa MYX sa Studio 23 o sa Sky Cable Channel 23. Available din ito sa Sky Cable Gold, Sky Cable Silver at iba pang quality cable operators nationwide.
No comments:
Post a Comment