Sa pictorial ng 2008 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Shake, Rattle & Roll X ng Regal Entertainment kanina, October 21, ay nakumpirma ang balita na wala na sa cast ng pelikula ang comedienne na si Eugene Domingo. Wala si Eugene sa pictorial, kung saan siya sana ang bida sa "Nieves" episode na ididirehe ni Mike Tuviera.
Sa paunang balita, hindi raw nagkasundo sina Mother Lily Monteverde at Ricky Gallardo, manager ni Eugene, dahil mahirap daw ka-deal si Ricky kaya inalis ang comedienne sa cast. Pero iba naman ang pahayag ni Ricky, itinuwid nitong hindi inalis si Eugene sa cast; sila raw ang nag-backout.
Sabi ni Ricky, "Iba ang tinanggal sa hindi tinanggap. Hindi namin tinanggap ang movie dahil hindi sila [Regal] tumupad sa pinagkasunduan. Ang linaw-linaw ng usapan, maayos na ang lahat, ‘tapos binago pa. Ayaw naming ma-stress kaya hindi na lang namin tinanggap.
"Ang pinag-usapan, pinapahalagahan, tinutupad. Walang magiging problema kung tinupad lang nila ang pinagkasunduan. Ganun lang kasimple."
Sa side naman ng Regal, sa terms of payment hindi nagkasundo sina Mother Lily at Ricky. Pumayag na raw ang lady producer sa budget na hiningi nina Ricky at Eugene, pero wala pa ring nangyari sa usapan ng dalawang kampo. Ang ending, pinalitan na lang ang komedyana sa role ng isang encanto slayer sa Shake, Rattle & Roll X (SRRX).
Si Marian Rivera na ang ipinalit kay Eugene sa "Nieves" at si Mother Lily pa mismo ang nagbalita nito sa entertainment press.
Bukod sa SRRX ay tinanggal na rin si Eugene sa cast ng isa pang MMFF entry na Desperadas 2. Tiyak na ikadi-disappoint ni Direk Joel Lamangan ang pagkakaalis ni Eugene sa pelikula niya. Personal choice niya sana si Eugene sa role ng long-lost sister nina Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto, Iza Calzado, at Marian.
Role ng isang prinsesa sa isang bansang malapit sa Africa ang gagampanan sana ni Eugene. Ikinukuwento pa ni Direk Joel na excited at natatawa na siya sa magiging partisipasyon sana sa pelikula ni Eugene.
Akala namin ay magagawan pa ng paraan na maibalik sa Desperadas 2 si Eugene, pero hindi na pumayag ang mga producer. Excited din sana si Eugene nang malaman ang kanyang role at may love interest pa siya sa pelikula. Isa pang ikinatuwa nito'y puro magaganda ang kanyang mga kasamang artista at "feeling beautiful" na rin daw siya.
Pero dahil sa nangyari, hindi na raw kukunin ng Regal si Eugene sa anumang pelikulang kanilang gagawin. In other words, banned siya sa film company at hindi na rin siya tuloy sa pelikulang Ang Nanay Kong Aswang. At kung co-producer ng GMA Films ang Regal sa second movie nina Richard Gutierrez at KC Concepcion ay hindi na rin siya makakasama. Willing pa naman daw sana siyang mapasama sa pelikula.
Four movies ang nawala kay Eugene.
Ano naman ang naging reaction ni Eugene sa nawalang dalawang pelikula sa kanya.
"Okey sa kanya, naintindihan niya. Dapat daw ‘pag may kasunduan, pahalagahan, at tuparin," sagot ng talent manager.
Ang press ang nanghinayang sa dalawang pelikulang nawala kay Eugene dahil hindi pa naman siya tumanggap ng TV show at balak mag-concentrate sa pelikula. Sa pagkakaalam namin ay kasama rin siya dapat sa Luna Mystica, pero nag-beg off nga siya dahil sa gagawin niyang pelikula.
For this year, sa Ang Tanging Ina Ninyong Lahat ng Star Cinema, na entry rin sa MMFF, mapapanood si Eugene. Next year ay nakatakda naman niyang gawin ang launching movie niya sa Viva Films na Demetria M.D.

No comments:
Post a Comment