Tuesday, March 4, 2008

CIARA SOTTO Napiling Umawit ng Lupang Hinirang sa Pacquiao - Marquez 2 Fight

Mas excited kesa sa kabado ang naramdaman ni Ciara Sotto dahil siya ang kakanta ng ating Pambansang Awit sa laban nina Pacquiao at Marquez sa March 16 (Manila time) sa Las Vegas, Nevada.

Tuwang-tuwa si Ciara nang nakausap ng Startalk nu�ng Sabado, dahil isa rin daw siya sa na­ngangarap na makakanta sa laban ni Pacquiao.

Nang magkita raw sila ni Pacquiao sa Las Vegas, biglang pinakanta at kaagad na nataypan siya at napagdesisyunan sa Solar Entertainment na siya na ang kakanta sa darating na laban ni Pacquiao.

Minsan daw ay parang kinakabahan siya, pero mas nananaig daw ang excitement dahil tingin ni Ciara, kaya niyang kantahin na magugustuhan ng ating mga kababayan.

Source: Abu Tilamsik, abantetonitedotcom

No comments:

Post a Comment